Saturday, September 6, 2008

gutom

akala ko iidlip ka lang
bakit mo ko tinulugan?
kumakalam na ang sikmura ko
hinihintay paggising mo
kasi sabay tayong kakain.
pero tulog ka na,
napagod ka sa trabaho
tulad kahapon, nung isang araw.
limot mo na ang sikmura mo
tulad ng paglimot mo sa mundo
at sa kalaliman ng gabi,
nalimutan na ako.
bakit iniisip pa kita
nagpapakapagod
makasama ka?
bakit?

No comments: